^
POPCOM: Pagdami ng mabubuntis pinangangambahan
Ito ang naging paalala ng Commission on Population and Development (POPCOM) dahil oportunidad para sa mga mag-asawa ang enhanced community quarantine upang mag-usap sa mga responsibilidad bilang mga magulang at magkabiyak sa buhay.
STAR/Edd Gumban/File

POPCOM: Pagdami ng mabubuntis pinangangambahan

(Pang-masa) - March 26, 2020 - 12:00am

Dahil sa enhanced community quarantine…

MANILA, Philippines — “Maging responsable sa pagpapamilya at fa­mily planning.”

Ito ang naging paalala ng Commission on Population and Development (POPCOM) dahil oportunidad para sa mga mag-asawa ang enhanced community quarantine upang mag-usap sa mga responsibilidad bilang mga magulang at magkabiyak sa buhay.

Gayunman, sabi ng ahensya malaking hamon  sa mag-asawa upang maiwasan ang unplanned pregnacy dahil sa kawalan ng access sa family planning supplies and services.

Sinabi ni POPCOM executive director Usec. Juan Antonio Perez III, ilalaban nila na maisama sa essential services ang basic family planning sa mga komunidad upang maibsan ang impact ng unintended pregnancies.

Paliwanag nito, hindi matiyak kung kailan matatapos ang sitwasyon dulot ng COVID-19 kaya ayaw nila na madagdag sa kasalukuyang sitwasyon ang posibleng krisis ng hindi planadong pagbubuntis.

Hinikayat ng POPCOM ang mga LGUs na mamahagi ng family planning supplies tulad ng pills at condoms na tatagal ng tatlong buwan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag dahil base anya sa kasaysayan ay tumataas ang bilang ng mga nabubuntis tuwing mayroong mga kalamidad dahil may matagal na panahon ang mga mag-asawa at magkarelasyon na magtalik.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE POPCOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with