Sen. Pimentel nagpositibo sa virus

Hiniling ni Pimentel sa publiko na ipagdasal ang kanyang misis na nagdadalang-tao at malapit nang manganak.
STAR/Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Positibo rin sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel III.

Sa kanyang pahayag, inamin ng senador na kamakalawa niya nalaman ang resulta ng kanyang pagsusuri.

Noong Marso 20 nang kuhanan ng swab sample si Pimentel.

Ayon kay Pimentel, simula noong Marso 11 ay limitado na ang kanyang galaw.

Hiniling ni Pimentel sa publiko na ipagdasal ang kanyang misis na nagdadalang-tao at malapit nang manganak.

Sinabi ni Pimentel na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang ma-contact ang lahat ng alam niyang nakasalamuha niya.

Laking panghihina­yang lang ni Pimentel dahil hindi nito makakapiling ang misis sa panganganak.

Kasabay nito, nagpa­salamat din ang senador sa mga medical frontli­ners at nanawagan siya sa publiko na sumunod sa mga bilin ng DOH para makaiwas sa sakit.

Si Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa COVID-19. Una nang nagpositibo sa sakit si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Show comments