Pinoy sa UAE na may COVID-19 hindi maganda ang kondisyon
MANILA, Philippines — Hindi umano bumubuti ang kondisyon ng isa sa dalawang Filipino sa UAE na positibo sa COVID-19.
Ito ang inihayag kahapon ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Eduardo Meñez kaya’t inilipat na sa ibang health facility ang nasabing Filipino upang mas ma-monitor dahil hindi gumaganda ang lagay nito.
“Yung pangalawang na-identify, mukhang nilipat ho siya sa ibang health facility to provide better monitoring and evaluation because as far as we are aware, parang hindi ho yata nag-i-improve ‘yung condition nun. So, the embassy is closely monitoring their health conditions and needs,” sabi ni Meñez.
Pero yong unang natukoy na may COVID-19 ay “stable” ang kondisyon.
Nakikipag-ugnayan ng ang DFA sa mga Filipinos na tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa katulad ng UAE at Japan sa pamamagitan ng telepono o kaya ay e-mail.
- Latest