^

Police Metro

Single mom, hinalay at pinatay

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang naaagnas na ang bangkay ng isang 20-anyos na estudyanteng single mom noong Sabado sa isang palayan sa Brgy. Isidro Paredes, Diffun, Quirino,

Kinilala ang biktima na si Abigail Tan, grade 11 sa Rosario National High School at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Bago ito ay iniulat sa pulisya na nawawala noong pang Pebrero 17 ang biktima matapos na ito ay lumiban sa klase upang alagaan ang may sakit nitong sanggol.

Huling nakita si Tan ng nasabing araw sa Barangay Calaocan dakong alas-7:00 ng gabi kung saan natagpuang abandonado ang kanyang motorsiklo sa hindi kalayuan.

Sa report na nakara­ting kay Capt. Reynolds Gonzales, hepe ng Diffun Police Station, nagtamo ng palo sa ulo na nakasuot ng palda at puting long sleeve si Tan.

Malaki ang hinala ng pulisya na hinalay muna bago pinatay sa ibang lugar ang biktima at doon lang itinapon upang mailigaw ang imbestigasyon.

vuukle comment

ABIGAIL TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with