^

Police Metro

PMA alumni homecoming natuloy rin

Mer Layson - Pang-masa

Limitado ang bisita dahil sa COVID-19

MANILA, Philippines — Natuloy na rin kahapon ang pagdaraos ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City ngunit kakaunti lamang ang naitalang dumalo dito bunsod na rin sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

 Paglilinaw naman ni Capt. Cheryl Tindog, tagapagsalita ng PMA, ang paglilimita sa mga bisitang pinayagang pumasok sa PMA ay bahagi lamang ng kanilang protocol o precautionary measure laban sa COVID-19 upang maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga kadete at ng publiko.

 Matatandaang unang linggo pa lang ng buwan ng Pebrero nang isara ang PMA sa mga bisita at maaari lang pumasok sa akademya ang mga alumni at kanilang pamilya bagamat limitado rin lamang.

Matatandaang una nang ipinagpaliban ang 2020 Alumni Homecoming ng PMA na dapat ay idinaos nooong Pebrero 14-16.

 Kabilang sa mga attendees ngayong taon ay sina Sen. Panfilo Lacson, Department of Information and Communications Technology (DICT) Gregorio Honasan, na kapwa tumanggap ng Cavalier Award, gayundin si PNP chief Archie Francisco Gamboa at DILG Secretary Eduardo Año. Naging tagapagsalita ng pagdiriwang si retired Vice Admiral Eduardo Santos ng Armed Forces of the Philippines.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with