Lalaki patay sa 30 minutong sunog

Ang nasawi ay kinilalang si Denmark Jose, residente ng No. 975 Domingo Santiago St., Sampaloc, Maynila na na-suffocate sa loob ng banyo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay ang isang 34-anyos na lalaki sa naganap na 30 minutong sunog sa isang residential house, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Denmark Jose, residente ng No. 975 Domingo Santiago St., Sampaloc, Maynila na na-suffocate sa loob ng banyo.

Sa ulat, unang alarma lang ang inabot ng sunog na nagsimula dakong alas-6:06 ng umaga at idineklarang fireout, alas-6:39 ng umaga.

Nangungupahan la­mang umano ang pa­mil­ya Jose sa 3-storey apartment na yari sa pinaghalong concrete at light materials.

Show comments