^

Police Metro

Bulkang Taal ‘di pa tumatahimik

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bulkang Taal �di pa tumatahimik
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 2 volcanic earthquakes lamang at pagluwa ng 288 tonelada ng asupre.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi pa rin nananahimik ang Bulkang Taal sa Batangas.

Dahil kinakitaan naman ito kahapon ng pamamaga ng bunganga ng bulkan na senyales na patuloy ang mga aktibidad sa loob ng bulkang Taal.

Gayunman, inalis naman ng Phivolcs ang pa­ngamba ng mga residente sa Batangas sa bagong aktibidad ng bulkan dahil hindi naman ito magreresulta ng agarang pagsabog nito.

Anya, ang nakitang pamamaga ng bunganga ng bulkan ay mga naiwang magma sa pagsabog pa ng bulkan noong  Enero 2019.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 2 volcanic earthquakes lamang at pagluwa ng 288 tonelada ng asupre.

Nanatili naman sa alert level 2 ang bulkang Taal na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest ang bulkan.

Patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng sinumang indibidwal sa loob ng 6 kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

vuukle comment

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with