Barangay kagawad inaresto sa panghahalay sa kanyang bedspacer

Sa salaysay ng biktima, na tatlong buwan na siyang mag-isang nangungupahan bilang bedspacer sa suspek at pumapalya ang kanyang pagbayad sa renta na umaabot sa P 6,000.
File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad si Brgy. 462 Kagawad Chendong dela Cruz, 44 matapos ireklamo ng panghahalay ng isang 21-anyos na dalaga na bedspacer sa pinauupahan nitong kuwarto sa Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, na tatlong buwan na siyang mag-isang nangungupahan bilang bedspacer sa suspek at pumapalya ang kanyang pagbayad sa renta na umaabot sa P 6,000.

Dito ay kinausap siya ni Dela Cruz para pag-usapan sa kuwarto kung paano niya mababayaran ang kanyang renta. 

Pagdating sa kuwarto ay agad siyang hinalikan ng suspek at puwersahang hinalay.

Wala umanong ma­gawa ang biktima dahil sa sobrang takot nito, su­balit matapos ang insidente agad nagtungo sa pulisya at inireklamo ang suspek at inaresto.

Show comments