SC pinagkokomento ang ABS-CBN sa quo warranto petition ng OSG

Inihayag ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka, matapos ang en- banc session kahapon ng umaga ay nagdesisyon ang mga mahistrado na bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na magkomento sa petisyon ni Calida sa loob ng 10 araw.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema sa ABS-CBN para magkomento sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General  Jose Calida noong Lunes.

Sa very urgent motion for reconsideration ni Calida nais nitong mapawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Inihayag ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka, matapos ang en- banc session kahapon ng umaga ay nagdesisyon ang mga mahistrado na bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na magkomento sa petisyon ni Calida sa loob ng 10 araw.

Kasama sa pinagkokomento ng SC sa Calida quo warranto petition ang subsidiary ng Kapamilya network na ABS-CBN Convergence Inc.

Sa petisyon ng SolGen, inabuso umano ng ABS-CBN ang pribileyo na ipinagkaloob ng estado nang maglunsad ito ng pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa NTC.

Show comments