Pinasok sa tindahan… Negosyanteng Bumbay, 2 pa niratrat
Raymund Catindig (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyanteng Indian national, accountant, at security guard nito matapos pasukin sa loob ng kanyang pagmamay-aring tindahan ng dalawang armadong salarin at saka pinagbabaril naganap sa Brgy. Catbegan, San Fernando City, La Union noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng San Fernando City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril mismo sa loob ng Shania Kenny Merchandise Store, sa nasabing lugar.

Unang pinuruhan ng isang gunman ang accountant ng tindahan na si Haidie delos Reyes bago binaril ang may-ari na si Kareena Mirchandani, isang Indian national.

Ayon kay City Chief of Police Lt. Colonel Percival Pineda, inutas na rin ng isa pang gunman ang sasaklolo sanang sekyu ng tindahan na si Ferdinand Gacayan.

Nagpulasan ang mga nasindak na tao sa paligid sa takot na madamay sa putukan na siya namang sinamantala ng dalawang berdugo ang pagkaka­taon upang tumakas sakay ng motorsiklo.

Narekober naman ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga bala na mula sa kalibre .45.

Inaalam sa imbes­tigasyon kung may ko­neksyon ang insidente sa nabigong pagpatay sa mister ni Mirchandani na isa ring Indian national noong 2016.

BINARIL PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with