Mga pulis sa Metro Manila bawal maglaro ng golf
Joy Cantos (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naglabas ng direktiba si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major Gen.Debold Sinas na bawal ng maglaro ang lahat ng pulis sa Metro Manila kahit weekend. 

Sabay na hikayat ni Sinas ang netizens na isumbong ang sinumang opis­yal na mahuhuli ng mga ito sa akto na naglalaro ng golf  na kunan ng video  at larawan bilang ebidensya.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Achie Gamboa na bawal ang maglaro ng golf sa kapulisan tuwing weekdays o oras ng trabaho at ang kaniyang pinahihintulutan ay tuwing weekends o Sabado at Linggo.

Pero sa bersiyon ni Sinas ay hindi lamang limang araw bawal maglaro ng golf kundi sa buong linggo o araw-araw bawal kahit na off duty ang mga opisyal o sinumang tauhan ng NCRPO.

Ginawa ni Sinas ang babala kasunod ng pagkakahuli at pagsibak sa puwesto ng tatlong opisyal ng Central Visayas Police na sina Comptroller Chief P/Col.Dennis Artil; Finance Chief P/Lt. Colonel Richard Badang at ang Provincial Drug Enforcement Group Chie P/Lt. Colonel Glenn Mayam na naglalaro ng golf sa oras ng trabaho. 

Inamin naman ni Sinas na dati niyang mga tauhan sa Cebu sina Artil at Mayam na sumasali pa sa golf tournament pero noong panahon niya ay hindi ang mga ito makapaglaro ng golf dahilan sa mahigpit niyang monitoring.

DEBOLD SINAS NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with