Pagsibak sa 5 DPWH officials ipatupad na! - Ombudsman
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat na anyang ipa­tupad ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar ang utos ng Ombudsman na pagsibak sa kanyang regional director at apat pang hepe.

Ito ang apela ni Atty. Mikhail Lenin Bueno, kay Sec. Villar na ipatupad na nito ang preventive suspension order kina DPWH officer-in-charge region 5 director Virgilio Eduarte; Atty. IV Eulogio Laboga, quality assurance and hydrology chief; Brenilda Mendoza, equipment ma­nagement division chief; Romy Gumban at Serafin Lago na hepe ng Road Heigthening and Tide embankment.

Ayon kay Atty. Bueno, mahirap paniwalaan ang katwiran ng nasabing mga opisyal na wala silang natanggap na kopya ng kautusan noong Feb. 1, 2019 dahil umapela pa silang i-lift ito.

Nag-ugat ito sa reklamo ng isang Edgar Tiu, may-ari ng B. M. Marketing construction company nang i-disqualify siya sa public bidding ng kanyang inireklamo noong nagsisilbi pang assistant regional director sa DPWH region 8 si Eduarte at 4 pang opisyal.

Ang kautusan ay apru­bado ni Ombudsman Samuel Martires ang 6-months suspension na walang suweldo laban kay Eduarte at iba pang opisyal noon pang Feb. 1, 2019, subalit hindi ipinatupad ng DPWH.

Dahil dito, muling lumiham nitong Enero 2, 2020 si Assistant Ombudsman Pilarita Lapitan kay Villar upang ipatupad ang preventive suspension.

Sa panig naman ni Eduarte ay hindi nakapasa sa technical requirements ang kumpanya ni Tiu, subalit lumabas na pumasa ang kumpanya sa qualification ng Bids and Awards Committee para sa cons­truction ng storm surge protector, road heightening and tide embankment na may approved budget sa contract (ABC) na P264,218,720.97.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with