PCSO umabot sa P89-M ang inilabas na calamity assistance
Mer Layson (Pang-masa) - December 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit P89 milyon ang calamity assistance na naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  sa mga mamamayang nabiktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad na tumama sa bansa, nitong huling quarter ng taon.

Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Marzan-Garma, ang naturang halaga ay inilabas nila mula Oktubre hanggang Disyembre lamang ng taong ito, kung kailan niyanig ng sunud-sunod na lindol at mga bagyo ang ilang bahagi ng bansa.

Sa Mindanao ay P3.1 milyon ang naiabot nila kamakailan lamang sa gobernador ng North Cotabato at Davao del Sur, na napinsala ng malalakas na lindol.

Magkakaloob pa ang PCSO ng tig-P5 milyon para sa mga bayan ng Hagonoy, Matano at Padada, na ilan sa mga lugar na siyang pinakanasalanta ng lindol at inaasahan na mailalabas ang naturang pondo bago sumapit ang Pasko.

Kaya’t patuloy namang nananawagan ang PCSO chief sa publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro dahil wala aniyang talo rito dahil lahat ng perang kanilang kinikita ay napupunta sa kawanggawa at nakatutulong sa mga taong nangangailangan.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with