2 kelot natagpuang patay sa van
Cristina Timbang (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa loob ng isang puting van sa Brgy. San Rafael IV, sa Noveleta, sa lalawigan ng Cavite, kahapon.

Pawang nakagapos at nakabalot ng packaging tape ang ilang bahagi ng katawan ng mga biktima nang ito ay matagpuan sa loob ng puting van na may plate number na NEA 9089.

Sa ulat ng pulisya, itinawag sa kanila ng mga residente ng barangay ang tungkol sa naturang van na umano’y may ilang araw nang naka-park sa lugar at sa masangsang na amoy na umaalingasaw na mula sa van.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay dito na tumambad ang mga naaagnas na bangkay ng mga biktima na pawang mga nakagapos ng packaging tape.

May nakapalupot ding tela sa leeg ng mga ito na hinihinalang sinakal ang mga ito.

Tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40-anyos ang dalawang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga biktima habang nakipag-ugnayan na ang pulisya sa pamunuan ng LTO para sa matukoy ang nagmamay-ari ng van.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with