Ayon sa Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO 8), unang napaulat na isang 3-taong gulang na batang lalaki ang namatay sa ambush, ngunit itinama ito at natukoy na ang namatay ay ang lolang si Trabuco.
STAR/File
Pulis, lola patay sa ambush ng NPA
Mer Layson (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pulis at isang lola ang nasawi habang nasa 12 sibilyan ang nasugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang police patrol car sa Borongan City, Samar nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Mark Jerome Rama, at Agripina Trabuco, 69.

Ayon sa Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO 8), unang napaulat na isang 3-taong gulang na batang lalaki ang namatay sa ambush, ngunit itinama ito at natukoy na ang namatay ay ang lolang si Trabuco.

Sa ulat, pinasabugan ng tinatayang may 50 mi­yembro ng NPA ng isang improvised explosive de­vice (IED) ang isang Toyota Hilux police pat­rol car na bumabagtas sa isang kalsada sa Brgy. Libutan, patungo sana sa Samar Police Provincial Office sa Catbalogan City.

Nabatid na pagkatapos ng pagpapasabog ay sinundan pa umano ito ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga rebelde, na ikinamatay ng pulis na si Patrolman Rama, habang nadamay naman si Trabuco.

Ang ambush ay nagre­sulta rin sa pagkakasugat ng nasa 12 sibilyan dahil tinamaan rin ng mga bala ng mga rebelde ang dalawang tricycle at isang Mitsubishi L300 van na kasunod ng police patrol car na bumibiyahe rin sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang ambush.

AMBUSH NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with