^

Police Metro

3 banyaga kinidnap, ni-rape; 6 chinese arestado

Mer Layson - Pang-masa
3 banyaga kinidnap, ni-rape; 6 chinese arestado
Ang mga nasakoteng suspek ay sina Zhoung Shuo Cheng, 24; Wang Su Long, 31; Du A Long, 23; Zhu Lun Feng, 22; Zuo Jun, 21 at Yang Bo Kuan, 32; habang kinilala naman ang mga nasagip na biktima na sina alyas ‘Pham,’ alyas ‘Zhang’ at alyas ‘Shen’.
File

MANILA, Philippines — Anim na Chinese ang naaresto ng mga otoridad matapos dukutin at halayin pa umano ang dalawang babae na kanilang kababayan at isang Vietnamese sa ikinasang ope­rasyon sa Bacoor City, Cavite City kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Zhoung Shuo Cheng, 24; Wang Su Long, 31; Du A Long, 23; Zhu Lun Feng, 22; Zuo Jun, 21 at Yang Bo Kuan, 32; habang kinilala naman ang mga nasagip na biktima na sina alyas ‘Pham,’ alyas ‘Zhang’ at alyas ‘Shen’.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang rescue ope­ration sa sa Lt 12 Blk 2 Meadowood Executive Village, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa pulisya, hu­mingi ng tulong sa kanila ang mga nobyo ng mga biktima makaraang kidnapin ang mga babae nitong Miyerkules at Huwebes.

Sabi ni Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) acting chief Lt. Col. Villaflor Bannawagan, matapos na magbayad ng malaking halaga bilang ransom ang mga nobyo ng mga babae ay hindi pa rin daw pinakawalan ang mga ito, imbes ay humingi pa ng dagdag na kanila ring ibi­nigay kaya nagdesisyon nang magsumbong sa pulisya.

Naging matagumpay naman ang ikinasang ope­rasyon kung kaya na-rescue ang mga biktima at nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na suspek.

Dito rin ay idinetalye ng mga biktima ang ginawa umanong pang-aabuso sa kanila ng mga suspek.

“Sabi ng mga biktima, pinapalo, may pinakitang stainless bar at parang cutter sa kanila, na kapag daw re-rape-in sila, tinutukan sila non. At may pasa pa sila sa mga maseselang bahagi,” ani Police Lt. Col. Joel Saliba, public information officer ng PNP-AKG.

Nasa kustodiya na ng PNP-AKG ang mga suspek, na hindi umano makausap dahil hindi nagsasalita ng Ingles habang inaalam pa kung miyembro ng sindikato ang mga ito at kung ano ang motibo ng pagdukot.

vuukle comment

ARRESTED

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with