Digong nagbanta ng military takeover sa water firms

“Last night I was talking to the PSG, sinabi ko sa kanila huwag mo akong laruan na takot takutin ninyo ako, sige magsibat kami, bahala wala kayong tubig,” wika ng Pangulo.
Presidential photo/Alfred Frias

MANILA, Philippines — Kung hindi umano makuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging paliwanag ng Maynilad at Manila Water kaugnay sa mga hindi patas umanong kasunduan ng mga ito sa gobyerno ay nagbanta ito ng military takeover.

Ang bantang ito ng Pangulo ay kanyang sinabi sa mensahe nito sa birthday celebration ni dating Senate President Manny Villar sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

“Last night I was talking to the PSG, sinabi ko sa kanila huwag mo akong laruan na takot takutin ninyo ako, sige magsibat kami, bahala wala kayong tubig,” wika ng Pangulo.

 “I will order the Armed Forces to operate. Sige sundalo, take over kayo,” dagdag ng Pangulo.

Nagbanta din ng warrantless arrest ang Pangulo sa mga taong sangkot sa nasabing concession agreement dahil sa economic sabotage sanhi ng onerous contract na pinasok ng mga ito.

“‘Pag niloko mo ako, niloko mo [ang] Pilipino. I will suspend the [privilege of the] writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Gusto ko makita ang mga bilyonaryo na nakakulong. Where’s the big fish? O ito buwaya na itong p—inang ‘to dalawa [Maynilad and Manila Water],” giit ng Pangulo.

“Talk to General Sa­la­mat. Mag-usap kayo diyan. Ako? I will just prepare the charges. ‘Pag hindi tayo nagkaintindihan dito, economic plunder,” sabi pa ng Pangulong Duterte.

Lumiham na sa Pa­ngulo ang 2 water firms kung saan nag-alok ng renegosasyon sa kontrata at sinabi na hindi na din nila sisingilin ang gobyerno ng P11 bilyon na napa­nalunan nila sa korte sa Singapore kasabay ang pangako na hindi na din magpapatupad ng rate increase sa susunod na taon.

Subalit, nang kanselahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang extension contract hanggang 2037 ay biglang nagbanta ng 100 percent na water rate increase.

“These concessionaires can do their worst and continue with fleecing the consumers while the President will do his best in serving and protecting the interest of the people,” wika ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

 

Show comments