^

Police Metro

PNP nakaalerto pa rin sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na palalawigin pa ang martial law sa Mindanao na magtatapos sa Disyembre 31 ay mananatiling nakaalerto at vigilante ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig.Gen. Bernard Banac sa ilalim ng liderato ni Officer-in-Charge (OIC ) Police Lt. Gen. Archie Gamboa ay suportado ang desisyon ng Commander in Chief na huwag ng palawigin pa ang umiiral na martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ang martial law sa Mindanao Region ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 23, 2017 matapos naman ang Marawi City siege sa terorismong inihasik ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria.

Ang martial law ay orihinal na nasa 60 araw lamang pero napalawig ito ng ilang beses hanggang katapusan ng Dis­yembre ng taon.

Una na ring inirekomenda ng AFP at PNP kay  Pangulong Duterte na huwag ng palawigin ang batas militar sa katimugang bahagi ng bansa.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with