8 katao huli habang bumabatak sa loob ng police car
Joy Cantos (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang walong katao na naaktuhang nagpa-pot session ng marijuana sa loob ng isang nasirang Mahindra patrol car ng pulisya, kahapon ng madaling araw sa operasyon sa Brgy. Wakas, Tayabas City, Quezon.

Kinilala ang isang suspek na si Jovert dela Peña, 18 habang itinago ang pangalan ng pitong iba pa dahilan pawang mga menor de edad.

Narekober mula sa mga suspect ang isang tube glass na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 2.45 gramo, isang ginusot na papel na pinagbalutan ng marijuana at ilang barya.

 Ang mga suspect ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon habang ang nare­kober namang marijuana mula sa mga ito ay sa Quezon Police Crime Laboratory.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Tayabas City Police mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo ng mga kalalakihan na may hinihitit na marijuana sa Mahindra vehicle ng PNP sa lugar.

Nagresponde ang mga elemento ng Tayabas Po­lice­ sa Randall Auto Shop sa Brgy. Wakas ng lungsod­ kung saan ipinakukumpuni ang isang nasirang Mobile­ patrol Mahindra 141 at dito’y naaktuhan ang mga suspect na humihitit ng marijuana.

JOVERT DELA PEñA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with