Pagbaba ng unemployment rate, ikinatuwa ng Palasyo

Ayon kay Presidential Communications Ope­rations Office Secretary Martin Andanar, hindi ito isang pang-karaniwang bagay lamang gayung ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitatala simula pa noong 2005.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Palasyo ang aniya’y kahanga-hangang accomplishment ng Duterte administration na may kinalaman sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang Pilipinong walang trabaho o unemployed.

Ayon kay Presidential Communications Ope­rations Office Secretary Martin Andanar, hindi ito isang pang-karaniwang bagay lamang gayung ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitatala simula pa noong 2005.

Repleksiyon at bunga aniya ito ng pagsisikap ng kasalukuyang Admi­nistrasyon sa ilalim ng Dutertenomics na pababain ang bilang ng mga tambay o walang trabaho sa bansa.

Dagdag ni Andanar na magpapatuloy pa rin ang socio-economic policies at mga repormang ipatutupad ng pamahalaan sa harap ng target na mapataas pa ang employment rate sa hanay ng mga Pilipino.

Nasa 4.5 percent ang naitala noong nakaraang buwan na unemployment rate ng bansa na mas mababa sa 5.1% na nai-record noong Oktubre ng nakaraang taon.

Show comments