7 lugar isinailalim sa state of calamity
Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pito pang lugar sa Bicol Region, Southern Tagalog, at Visayas Region ang isinailalim sa state of calamity bunsod ng matinding pinsalang tinamo sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Sa report ng Regional Office ng Office of Civil Defense (OCD) kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ay ang lalawigan ng Sorsogon, Camarines Sur at Naga City ng lalawigan; Oriental Mindoro, Lubang island, Occidental Mindoro at Calbayog City, Samar.

Una nang inilagay sa state of calamity ang Albay sa lalawigan ng Bicol bunga ng matinding pinsala ng bagyong Tisoy.

Nabatid na ang Camarines Sur base sa resolusyon ni Acting Provincial Board Secretary Rosario Polillo, ang lalawigan ay anim na buwang isinailalim sa state of calamity at hanggang kinakailangan.

Samantalang aabot naman sa halos 500,000  residente ang inilikas sanhi ng delubyo ng bagyo na nagdulot ng malalakas na hangin at pag-ulan.

BAGYONG TISOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with