Live coverage ng Maguindanao promulgation hiling sa SC

MANILA, Philippines — Hiniling ng iba’t ibang media organizations sa Korte Suprema na payagan ang live coverage sa promulgation ng Maguindanao Massacre case na isasagawa sa courtroom Camp Bagong Diwa Taguig sa Disyembre 19.

Sa petisyon na pina­ngunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), na ang live coverage ay pagbibigay ng pagkakataon sa pamilya ng mga biktima na mapanood ang magiging desisyon ng korte.

Karamihan sa mga pamilya ng biktima ng Ampatuan ay hindi na kayang pumunta sa Maynila upang marinig ang desisyon ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa 58 counts ng kasong murder.

Ang petition na isinumite sa Supreme Court noong Disyembre 3 ay pirmado din ng mga exe­cutives at editors ng television, print at online.

Ang Maguindanao massacre ang sinasabing pinakamadugong election related violence sa bansa.

Nakasaad pa sa petis­yon na posibleng maka­tulong ang live coverage upang maibalik ang tiwala ng publiko sa judicial system.

Ang isa sa panguna­hing akusado na si Zaldy Ampatuan ay naka-con­fine pa rin sa Makati Medical Center simula pa noong October 22 matapos ma-stroke.

Show comments