Pinuri ng Filipino netizens, mga artista at mga pulitiko ang kamangha-manghang grand opening ceremony na nagsilbing hudyat ng simula ng Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
PIA/File
Palasyo bumilib sa SEA Games organizers
Rudy Andal (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa trabaho nitong tinuring na “exceedingly well done,” matapos ang kamangha-manghang opening cere­mony ng nasabing biennial event sa Philippine Arena noong Sabado, ika-30 ng Nobyembre ay binigyang papuri ng Palasyo ang mga organizers ng Southeast Asian Games sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“The opening ceremony of the 30th SEA Games was a sight to behold,” wika ng Malacañang. 

Ayon pa sa kanila, ang “eye catching sports and musical extravaganza” ay hindi pinalampas ng Singapore’s The Strait Times, na nagsabing, “It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines.”

Umaasa rin ang Malacañang na sa tulong nitong “event extraordinaire” ay maging maganda ang pagsasagawa ng mga gaganapin na palaro “until our foreign guests leave the country, bringing with them beautiful memories forever etched in their hearts.”

Pinuri rin nila ang mga performers, at ang lokal na media outfits at mga manunulat at mga bloggers “for reporting with accuracy the success of the ceremony.” 

Pinuri ng Filipino netizens, mga artista at mga pulitiko ang kamangha-manghang grand opening ceremony na nagsilbing hudyat ng simula ng Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with