3 timbog sa P1.3 milyong shabu
Joy Cantos (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang tatlong drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Main Avenue kanto ng EDSA, Brgy. Socorro, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Kirby Angelo Ruiz alyas Pogong, 30; Albert John Pakinga alyas Johnjok, 19 at Darwin Marie Nonarte, 23, residente ng Cavite.

Sa ulat, bago naaresto ang mga suspek, bandang alas-10:20 ng gabi ay isinailalim sa surveillance operation ang mga suspek na sangkot sa pagbebenta ng droga.

Nang magpositibo ay agad isinagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar na kung saan isang police poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng P200,000.00 halaga ng shabu mula kay Pogong na dumating sa lugar ka­sama ang tatlo pang drug peddler.

Nang magpalitan ng items ay doon na humudyat ang poseur buyer at ina­aresto ang mga suspek na nakumpis­kahan ng 200 gramo ng shabu na nag­kakahalaga ng P1.3 milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with