^

Police Metro

Ama, 2 anak dinakip sa marijuana

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang isang ama at dalawa nitong anak na lalaki sa aktong nagbebenta ng ma­ri­juana, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang mga na­arestong sina Nicanor Santos, 56; anak na sina Nikki Jay, 22; at 16-anyos na si alyas “Jay”, pawang mga nakatira sa Road 2 Block 2 Pabahay, Brgy. Comembo, Makati City.

Sa ulat, nagkasa ang  Makati City Police, alas-7:07 ng gabi ng  buy-bust operation sa tapat ng bahay ng mag-aamang Santos sa Brgy. Comembo.

Hindi na nakapalag ang tatlo nang palibutan sila ng mga pulis matapos na tanggapin ang P1,000 marked money buhat sa poseur buyer na umaktong bibili ng marijuana.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na plastic sachet na marijuana at isang bundle na ‘mid-grown marijuana’ na pinabalatan ng plastic na aabot sa P11,000 ang halaga.

Magkakasamang nakakulong ang mag-aama sa Makati City Police De­tention Center.

vuukle comment

NICANOR SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with