Salpukan ng dalawang motor: 2 todas

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo habang isa ang malubhang nasugatan matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa San Narciso, Quezon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jerwin Carabot at sakay niyang si Mark Jovel Abjuela, habang ginagamot sa ospital si Blademer Culla, pawang mga residente ng nasabing lalawigan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong ala-1:50 ng madaling araw sa Brgy. Calwit  ay sakay umano ang mga nasawi ng kanilang motorsiklo at papauwi sa kanilang bahay nang mahagip nito ang isang motorsiklo na minamaneho naman ni Culla.

Sa lakas ng impact ay tumilapon sina Carabot at Abjuela sa motorsiklo na nagtamo ng malubhang sugat sa katawan.

Ang tatlong biktima ay dinala sa San Narciso Municipal Hospital, su­balit idineklarang dead on arrival sina Carabot at Abjuela.

Show comments