^

Police Metro

Graduating student pinaglinis ng guro, nakuryente

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na makakadalo sa kanyang graduation ang isang 20-anyos na BS Fo­restry Student nang ito ay makuryente habang pinuputol ang sanga ng puno sa bakuran ng kanyang guro kahapon sa Brgy. Raois, Vigan City, Ilocos Sur. 

Ang nasawi ay kinila­lang si Benedict Gomu­yen, ng Ilocos Sur Polytechnic College sa bayan ng Sta. Maria.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, alas-3:35 ng hapon ay isinama umano ng gurong si Elena Ato, 56 ang biktimang si Gomuyen sa kanyang bahay upang ipaputol ang mga sanga ng puno sa kanyang bakuran.

Umakyat ang biktima sa puno at hindi nito nakita ang nakatagong kable ng kuryente at nang huma­wak ay nangisay ito at nahulog na una ang ulo na bumagsak.

Dinala ang biktima sa Ilocos Sur Gabriela Silang General Hospital, subalit ito ay idineklarang dead on arrival.

Pinag-aaralan ng mga otoridad kung maaa­ring kasuhan ang guro sa pangyayari.

vuukle comment

BENEDICT GOMU­YEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with