^

Police Metro

3 drug pusher tiklo sa P5.7-M na shabu

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 drug pusher tiklo sa P5.7-M na shabu
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia na umano ay mula pa sa Mindanao at mga kilalang kilabot na drug pusher.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang nadakip ng mga pulis sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang nasa P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia na umano ay mula pa sa Mindanao at mga kilalang kilabot na drug pusher.

Bago ito, nagsagawa ang mga pulis ng buybust operation alas-5:00 ng umaga sa kanto ng Simeon De Jesus at Malaya streets at naaresto ang mga ito na nakumpiskahan ng 850 gramo ng shabu at P16,000 buy-bust money at tatlong cellphone na gamit ng mga ito sa transaksiyon.

Ang mga suspek umano ay siyang supplier ng droga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang Maynila.

vuukle comment

ANOWAR MOCAMAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with