^

Police Metro

Mon Tulfo nagpiyansa sa 2 kasong libel

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglagak ng piyansa sa kasong libel at cyber libel na isinampa ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kolumnistang si Ramon Tulfo.

Sa Nov. 8 order na pirmado ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso.

Sa nasabi ring order, inutos din ni Judge Enciso ang pagbawi sa warrant of arrest na inilabas laban kay Tulfo at sa pagtalaga ng arraignment sa Nov. 26, sa alas-8:30 ng umaga.

Magugunita na nagsampa ng kaso si Medialdea laban kay Tulfo sa serye ng kolumn na inilabas sa The Manila Times na umano’y nakasira sa kanyang malinis na pangalan noong July 20, na may pinamagatang “There goes Cayetano as House Speaker, also Medial­dea,” at July 25 isyu na kung saan ay inakusahan ang executive secretary na nasa likod umano ng isang Vianney D. Garol na humingi ng P72 milyon mula sa isang Felicito Mejorada  bago maibigay ang reward money.

Itinanggi ni executive secretary na kakilala niya si Garol, na ayon sa rekord, ay isang project development officer II sa ilalim ng Office of External Affairs-Davao on Aug. 1, 2005 at hindi ito empleyado simula pa noong Dec. 31, 2005.

vuukle comment

RAMON TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with