200 bahay sa Boracay nasunog

MANILA, Philippines — Tinatayang 200 kabahayan ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa Sitio Ambolong, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan, kahapon.

Sa ulat, bandang alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang sunog sa mataas na bahagi ng nasabing lugar sa pamosong isla na mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa nasa 200 kabahayan.

Nagresponde ang mga bumbero at naapula ang apoy bandang alas -11:45 ng tanghali.

Wala namang naita­lang nasugatan at nasawi sa nangyaring sunog na bumulaga sa mga turista sa nasabing dinarayong isla.

Show comments