Peralta pinili ni Duterte bilang bagong Chief Justice

Lumilitaw na 25 taon na sa judicial service si Chief Justice Peralta at pinaka senior sa haba ng taon sa Judiciary.

MANILA, Philippines — Pinili kahapon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta bilang bagong Chief Justice kapalit ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin na bumaba sa puwesto noong Oct. 18.

Nabatid na nakakuha ng pitong boto mula sa Judicial and Bar Council (JBC) si Peralta na magsisilbing chief ma­gistrate hanggang Marso 27, 2022 ang kanyang mandatory retirement na 70.

Lumilitaw na 25 taon na sa judicial service si Chief Justice Peralta at pinaka senior sa haba ng taon sa Judiciary.

Si Peralta ay naging Chairperson ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) simula pa Agosto 2018 at na­ging Chairperson din ito ng SC Committee on the Revision of the Rules of Court at Chairperson ng 2014 Bar Examinations at Special Shari’ah Bar Examinations.

Ipinanganak sa Laoag City, Ilocos Norte, nagsimula ang career ni Chief Justice Peralta sa gobyerno noong 1987 nang maitalaga bilang Third Assistant City Fiscal ng Laoag City. Nalipat siya sa Manila Prosecutor’s Office noong 1988 at naging Assistant Chief ng Investigation Division ng Office of the City Prosecutor noong 1994.

Setyembre 1994 nang sumabak siya sa judiciary nang maitalaga bilang Presiding Judge ng Branch 95 Quezon City Regional Trial Court (RTC) para sa Special Criminal Court on Heinous Crimes at Drugs Cases. Napromote sa Sandiganbayan noong 2002, at Presiding Justice noong 2008.

Show comments