Duterte, sumemplang sa motor

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go at nasa Bahay Pagbabago ang Pangulo at kasalukuyang nagpapahinga.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Sumemplang sa motorsiklo si Pangulong Rodrigo Duterte habang papalabas na ng Presidential Security Group compound, kamakalawa ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go at nasa Bahay Pagbabago ang Pangulo at kasalukuyang nagpapahinga.

Maliban sa idinadaing ang masakit na balakang ay wala namang nabanggit pa si Go na may iniindang sakit ang Pangulo.

Magpapa-check up pa aniya ito para malaman kung may iba pang injuries.

Nilinaw naman ni Presidential Security Group chief  General Jose Eriel Niembra na hindi naman sumemplang si Pangulong Duterte sa motorsiklo kundi sumabit lang ang isang gulong ng motorsiklo sa isang obstruction pero hindi naman natumba.

Paglilinaw pa ng PSG chief, trike o 3 wheeled ang minaneho kamakalawa ng gabi ng Presidente kaya’t hindi aniya ito maaaring sumemplang.

Marahan din umano ang takbo ng chief executive palabas ng garahe ng PSG compound.

Show comments