Retired cop itinumba ng tandem
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dating miyem­bro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding- in-tandem criminals sa kanilang bahay, kamakalawa sa Molave St., Luna Extension, Digos City, Davao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si dating PO3 Ronnie Iligan, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar at nakatalaga dati sa Provincial Intelligence Branch sa Davao del Sur Police Provincial Office (DSPPO).

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay nasa labas ng bahay ang biktima at pinapakain ang ala­gang aso nang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng dalawang suspek at walang kaabog-abog na binaril.

Mabilis tumakas ang mga suspek matapos na maisakatuparan ang kanilang target.

Nagtataka ang mga dating kasama ng biktima sa serbisyo kung bakit ito pinatay gayung na­pakabuting tao nito at nagtitinda lamang ito ng gulay sa pamilihang ba­yan ng lungsod matapos magretiro.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with