3 killer for hire todas sa shootout

Nakilala ang nasa­wing lider na si Marvin Fajardo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa nitong tauhan.
File

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki kabilang ang lider ng killer for hire ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga pulis na nagsasagawa ng follow-up operation sa Cagayan de Oro City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasa­wing lider na si Marvin Fajardo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa nitong tauhan.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi habang isi­nisilbi ang warrant of arrest laban kay Fajardo sa kasong direct assault na inisyu ni Hon. Michelle Manaig-Calumpong, Presiding Judge ng 4th Judicial Region, Municipal Circuit Trial Court ng Tanauan City, Batangas noong Disyembre 1, 2013.

Gayunman, habang isinisilbi ang warrant of arrest ay pumalag si Fajardo at mga tauhan nito na nagpaputok ng baril na nagbunsod sa shootout ng magkabilang panig na ikinasawi ng tatlong suspek.

Sa tala ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Quezon), ang grupo ni Fajardo ay sangkot sa gun for hire na nagtago sa Cagayan de Oro City matapos na maging mainit sa mga ito ang mga otoridad.

Nasamsam ng mga otoridad ang dalawang cal. 45 pistol, isang 357 revolver, IDs, gadgets at iba pang mga personal na kagamitan sa mga suspek.

Show comments