125 dayuhan nadakip sa kidnapping

Sinabi ni PNP-AKG Spokesman Lt. Col. Cereno, simula 2017 ay nasa 68 ang kaso ng casino related kidnapping ang kanilang naitala at ang nasabing bilang ay nasa 119 ang nasakoteng Chinese, dalawang Malaysians at apat na Koreans.
File

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga ope­ratiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang 125 dayuhan na karamihan ay Chinese sa kasong kidnapping sa casino gambling.

Sinabi ni PNP-AKG Spokesman Lt. Col. Cereno, simula 2017 ay nasa 68 ang kaso ng casino related kidnapping ang kanilang naitala at ang nasabing bilang ay nasa 119 ang nasakoteng Chinese, dalawang Malaysians at apat na Koreans.

Sa 68 kaso na naitala, 57 sa mga nailigtas na biktima ay mga Chinese nationals, apat ang Malaysians, tatlo ang Koreans habang tig-isa naman  ang Vietnamese, Australian, Singaporean at American.

Inihayag pa ni Cereno na ang pagtaas ng bilang ng mga insidente ng kidnapping sa mga hotel at casino sa Pilipinas ay dahil sa maraming dayuhan ang nahuhumaling dito.

Ang mga casino junket operators na karamihan ay mga Chinese nationals na karaniwang mga target ng mga kalahi nila sa nasabing illegal na aktibidades.

Show comments