Sa pagtataya ng mga oil industry experts base sa oil trading mula Setyembre 16 hanggang 18, inaasahan na aakyat ang presyo ng gasolina ng hanggang P2.50 sa kada litro ng gasolina at P1.89 sa kada litro ng diesel.
File
Taas-presyo sa petrolyo, nakaamba
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaambang muli na magpatupad ng malakihang oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa darating na linggo dahil sa patuloy na kakulangan ng suplay ng krudo sa internasyunal na merkado dulot ng pagsalakay sa dalawang malaking oil firm sa Saudi Arabia.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts base sa oil trading mula Setyembre 16 hanggang 18, inaasahan na aakyat ang presyo ng gasolina ng hanggang P2.50 sa kada litro ng gasolina at P1.89 sa kada litro ng diesel.

Ibinase ito sa presyo ng Mean of Platts Singapore (MOPS) na basehan ng presyo ng oil products ng Pilipinas.

Inaasahan naman na magbabago pa ito dahil sa ikukunsidera ang cut-off sa presyuhan sa MOPS nitong nakaraang Biyernes.  Nagpapatupad ang mga malalaking kumpanya ng langis sa bansa tuwing Martes habang nauuna ang ilang independent oil players.

Nitong nakaraang linggo naramdaman na ang epekto sa Pilipinas sa naganap na pag-atake sa Saudi nang magpatupad ng price hike na P.85 sentimos sa kada litro ng diesel, P1.35 sa gasolina at P1 sa kerosene.

Mula nitong Enero, nasa P5.51 kada litro na ang itinaas sa presyo ng gasolina at P4.02 sa diesel, ayon sa datos ng Department of Energy (DOE).

OIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with