Lalaking nakaposas natagpuang patay
MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakaposas ang mga kamay ang natagpuang patay sa isang kalsada ng Brgy. Bangkal, Makati City, kahapon ng alas-2:30 ng madaling araw.
Inilarawan ng pulisya ang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at cargo shorts pants. Sa ulat ng Makati City Police, alas-2:30 ng madaling araw ay nakarinig nang sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente kaya’t agad na itinawag nila ito sa kanilang barangay.
Nang rumesponde ang mga barangay opisyal ay natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakahiga sa kalsada at limang bala.
- Latest