Pamilya, 4 minasaker

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa bahay ng isang pamilya sa Brgy. San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur na minasaker.- Larawan mula sa Munisipyo ng Cantilan

MANILA, Philippines — Patay ang apat na miyembro ng isang pa­milya matapos silang pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Sitio Gapas Gapas, Barangay San Pedro, Cantilan, Suri­gao del Sur, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Ra­velo Jr., 35, isang overseas Filipino worker; misis nitong si Alfonsita, 39, isang guro; at dalawa nilang anak na sina RJ, 9 at CJ, 3.

Nasa kustodiya na nila ang suspek na nakakatandang kapatid ni Alfonsita na si Alex Rosales. Sa pagtatanong ng mga pulis sa kapitbahay ng pamilya ay pinag-aawa­yan ni Alfonsita at ang nakakatandang kapatid nito ang lupa.

Kaya’t hinala ni P/Capt. Ferdinand Tabares, hepe ng Cantilan Police Station, alitan sa lupa ang isa sa tinitingnan nilang anggulo sa pagpatay sa pamilya.

Show comments