^

Police Metro

8 NPA rebels arestado sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walong pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng mga otoridad sa isang checkpoint, kamakalawa ng hapon sa Escalante City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga inaresto na sina Kenneth Serondo, 18 ng Toboso, Negros Occidental; Clint Mangayon, 20; Joel Guillero, 40, pawang ng Escalante City; Leon Charito, 60; Bienvenido Ducay, 55  ng Toboso, Negros Occidental; Aiza Chavez, 32, mula sa Brgy. Balintawak ng lungsod; Jonathan Cahintic, 21 at Albert Olid, 18, residente rin sa nabanggit na siyudad.

Sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang maharang ng pinagsanib na elemento ng Escalante City Police, 1st Negros Occidental Mobile Force Company at Army’s 79th Infantry Battalion sa checkpoint ang isang kulay berdeng pampasaherong sasakyan na Brgy. Jonob Jonob, Escalante City na patungo sa Brgy. Balintawak.

Nang mapansin ng mga operatiba sa checkpoint na isa sa mga pasahero na nakilalang si Serondo ang nagkasa ng armas habang palapit ang nasabing behikulo.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na cal .45 pistol, 30 bala ng cal .45 at 1 unit ng  rifle grenade, isang sako na naglalaman ng 21 bote na may laman gasolina bawat isa, isang bote ng improvised dynamite, isang cal 9 MM, KG 9 sub machine gun, 20 bala ng cal 9 MM, tatlong M203 grenade launcher, apat na bala ng cal 38, rifle grenade, mga pamplets at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

NEW PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with