Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang mga suspect na undercover agent ang kanilang ka-deal kaya’t agad itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout ng magkabilang panig.
File
Buy-bust: 4 drug pusher, pulis todas
Joy Cantos (Pang-masa) - September 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang apat na pinaghihinalaang drug pushers at isang pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) habang tatlo ang nasugatan nang mauwi sa shootout ang drug buy-bust operation, kamakalawa sa Brgy. Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.

Isa sa apat na napatay na drug pusher ay kinila­lang si Ibno Suhud Jaani, alyas Suyung na nakum­piskahan sa katawan ng 50 gramo ng shabu. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo nitong kasamahan.

Ang pulis na napatay ay kinilalang si P/Staff Sergeant John dela Peña habang isinugod sa pagamutan ang tatlong nasugatan nitong kasama na sina Police Staff Sergeant Feler Perito; Police Staff Sergeant Liberato Antang; at Police Corporal Diomar Tibor.

Ayon kay Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Director Brig. Gen. Marni Marcos, bandang alas-3:30 ng mada­ling araw nang magsagawa ng anti-illegal drug ­operations ang pinagsanib na elemento ng Bongao Police, 51st Special Action Company ng PNP-SAF sa pakiki­pagkoordinasyon sa mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa grupo ng mga drug pu­shers sa Brgy. Luuk Pandan, Bongao ng lalawigan.

Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang mga suspect na undercover agent ang kanilang ka-deal kaya’t agad itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok ay napatay ang apat na suspect na magkakasunod na tumimbuwang habang napatay din si Dela Peña.

SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with