Buy-bust: ‘Galamay’ ng drug lord sa Bilibid, napatay
Mer Layson (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang drug suspect, na umano ay “galamay” ng isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) nang manlaban sa mga aares­tong otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Edgardo Alfonso, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tramo, Pasig City at nakumpiska sa kanya ang nasa P27.2 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-5:15 ng madaling araw sa harap ng isang gasolinahan sa P. Tuazon Ave., kanto ng 18th Avenue, Brgy. San Roque ay nagkasa ng buy-bust operation ang puwersa ng QCPD at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Nakahalata ang suspek na mga pulis ang ka-tran­saksiyon kaya’t nanlaban at pinaputukan ang mga una hanggang pagdating sa nasabing lugar ay patuloy ang pakikipagbarilan umano nito. Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ang suspek ay kabilang sa mga target sa inten­sibong anti-illegal drugs operation sa ilalim ng NCRPO Case Operational Plan, matapos na matukoy na miyembro ito ng isang  syndicated criminal gang na nag-o-operate ng illegal drug trade sa Kamaynilaan at napag-alaman na ang utos sa operasyon ng bentahan ng droga ay posibleng nanggagaling sa isang drug lord na nakakulong sa NBP.

NEW BILIBID PRISONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with