Ex-Army niratrat

MANILA, Philippines — Bulagta sa kalsada ang isang dating sundalo na natanggal dahil sa pag-AWOL (Absence without leave) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong mga kalalakihan habang sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Bariw sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Christian Roselin Nocomora, 31, residente ng nasabing barangay at dating kasapi ng 9th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Brgy. Tula-Tula, Ligao City.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi binabaybay ng motorsiklo ni Nocomora ang barangay road pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot sa kanyang daraanan ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Patay na bumagsak sa kalsada ang biktima habang agad na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nakuha sa lugar ng pamamaril ang pitong basyo ng bala ng Kalibre .45 at 28-basyo ng bala ng M16 Armalite Rifle.

Show comments