Mister minaso ng biyenan sa ulo
Jorge Hallare (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 28-anyos na si Alvin Bolante Sabaldica, magsasaka matapos mabasag ang bungo nito nang hatawin ng maso ng kanyang biyenang si Genaro Cantor Moral, 59, kamakalawa ng gabi sa Zone 6, Brgy. Ibid, Libmanan, Camarines Sur.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay galit na galit na sinugod ng biktima ang bahay ng kanyang biyenan upang tapusin na umano ang kanilang matagal nang alitan.

Subalit, sinaway ng suspek ang biktima na hindi nagustuhan ng huli at lalong nagwala sa galit na nauwi sa suntukan.

Kumuha ang suspek ng maso at hinataw sa ulo ang biktima na duguang bumulagta kaya’t dinala ito sa ospital, su­balit hindi na ito umabot ng buhay.

ALVIN BOLANTE SABALDICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with