Rider dedbol, angkas kritikal sa van
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay ang isang motorcycle rider habang ang angkas nito ay nasa malubhang kalagayan matapos na masalpok sila ng isang van sa isang intersection sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Roldan Capillo, 33, binata, ng Area 6 Brgy. Maysan, ng naturang lungsod habang nakaratay naman sa Valenzuela City Medical Center ang angkas niyang si Rodel Corpin.

Sumuko naman sa mga otoridad ang suspek na si Christian Idava, 26, binata, nakatira sa Sulukan Street, Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa kanto ng Maysan Road at M. Antonio Street, Brgy. Maysan ay kapwa bina­bagtas ng Mio type scooter na magkaangkas sina Capillo at Corpin at isang Isuzu Rev Van na minamaneho ni Idava ang Maysan Road nang lumiko pakaliwa ang motor. 

Dumiretso naman ng andar ang van at nabundol ang hulihan ng motorsiklo dahilan para tumilapon ang dalawang sakay nito at magtamo ng mga pinsala sa katawan. Ang dalawang biktima ay dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay si Capillo.

ROLDAN CAPILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with