19-anyos dinedo ng 59-anyos nobyo, bago nag-suicide
Raymund Catindig, Victor Martin, Joy Cantos (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na saleslady at isang 59-anyos na negosyante na pinaniniwalaang nobyo nito ang natagpuang patay sa loob ng isang pick-up sa parking lot ng isang motel sa Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na si Tomas Greycochia, isang biyudo na taga-Brgy. Rizal, Ro­xas at Cristina Gragasin, saleslady ng Brgu. Nueva Era, San Manuel, isabela.

May tama ng bala ang kanang sentido ang matanda habang sa kaliwa naman kay Gragasin nang matagpuan ng mga kawani ng motel dakong alas-7:45 ng umaga.

Isang cal. 9mm boga at dalawang basyo ng bala ang natagpuan sa kinalalagyan ng mga biktima sa front seat ng pick up.

Itinuturing naman na isang ‘crime of passion’ ang naturang kaso kung saan may posibilidad umanong binaril muna ang nasabing babae bago nag-suicide ang nasabing negosyante.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa kasong ito upang ma­bigyang linaw ang insidente.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with