^

Police Metro

Parak tinodas ng kabaro sa bertdeyan

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang pulis matapos ratratin ng kanyang kabaro sa gitna ng kanilang laklakan sa birthday celebration ng kanilang kaibigan sa Bugallon, Pangasinan  kama­kalawa.

Sa report na nakara­ting kay Maj. Jake Isidro, hepe ng Bugallon PNP, kinilala ang nasawing biktima na si Master Sergeant Reynaldo Estareja, may asawa, at residente ng Brgy. Cayaoan Sual, ng na­tu­rang lalawigan.

Arestado naman ang suspek na si Patrolman Franklin Aquino, residente ng Brgy. Laguit Centro Bu­gallon.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumalo ang suspek na si Aquino kasama ang kanyang asawa at ang biktima na si Estareja sa birthday celebration ng kanilang kaibigan.

Sa gitna ng laklakan ay nauwi sa matinding pag­tatalo ang dalawa nang pi­litin umanong isayaw ni Estareja ang misis ni Aquino na tumanggi.

Dito ay agad na pina­putukan ni Aquino si Esta­reja na nagtamo ng apat na tama ng bala ng cal. 9mm.

Nagawa namang maisugod sa Lingayen District Hospital ang biktima ngunit ideneklarang dead-on-arrival habang nahaharap na ngayon sa kasong kriminal at administratibo ang suspek.

vuukle comment

REYNALDO ESTAREJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with