Nabatid na ginagalugad na ng mga otoridad ang lahat ng sulok ng bansa para madakip ang mga responsable sa pagpatay sa apat na PNP intelligence personnel na pawang nakatalaga sa 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion ng PNP Central Visayas.
Contributed Photo
NPA rebels na pumatay sa 4 pulis tinutugis
Gemma Garcia (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatutugis ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde ang mga mi­yembro ng New Peoples Army (NPA) na responsable sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental noong nakaraang linggo.

Nabatid na ginagalugad na ng mga otoridad ang lahat ng sulok ng bansa para madakip ang mga responsable sa pagpatay sa apat na PNP intelligence personnel na pawang nakatalaga sa 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion ng PNP Central Visayas.

Nagpahatid din ng pakikiramay ang PNP Chief sa pamilya nina  Cpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callo  Pat. Roel Cabellon at Pat. Marquino de Leon na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga umano’y miyembro ng NPA sa Sitio Yamot, Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental.

Bukod sa pamamaril, tinali rin umano ang kamay ng mga biktima sa kanilang likuran at may mga bakas ng torture at paghampas ng matigas na bagay sa mukha dahilan para ma deformed ito at ninakawan din ng mga kagamitan kabilang ang susi ng tatlong motorsiklo at mga armas.

Sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-2:30 ng hapon noong Hulyo 18 nang dukutin ang apat na pulis noong papunta sa kanilang detachment sa Sitio Nabinca.

NEW PEOPLES ARMY OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with