^

Police Metro

Gang Leader tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang isang notor­yus na lider ng isang kriminal na gang na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Cassa Isabel, Brgy. Tanghas, Tolosa, Leyte  kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Mindy Lat alyas Boyet, 40 anyos, may asawa, negosyante  ng Purok 4, Brgy. San Lucas, Lipa City, Batangas at tubong Leyte.

 Sa report ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Major Gen. Amador Corpus,  bandang ala-1:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa nasabing lugar.

 Base sa imbestigasyon, si Lat ay pangunahing suspek sa pagpatay kay  Brgy. Chairman Marlon Luancing  noong Disyembre 28, 2018 sa Lipa City, Batangas

Natukoy din ng mga awtoridad na ang suspect ang lider ng isang kilabot na grupong kriminal na sangkot sa gun for hire  sa Batangas at iba pang lugar.

vuukle comment

GANG LEADER

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with