Lalaki dinedbol sa lamay

MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na si Joel Aquino, ng Quezon Boulevard, Sampaloc, Maynila ang nasawi nang barilin ng riding in tandem habang nakikipaglamay sa burol ng kaanak, kamakalawa ng hapon. Hindi pa tukoy ang pagkakilanlan ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na responsable sa pamamaril.

Sa ulat dakong alas-4:45 ng hapon  ay nagtungo ang biktima sa burol ng kaanak sa Quezon Boulevard, panulukan ng Lerma St., Sampaloc upang makiramay nang biglang dumating ang ri­ding in tandem suspek at pinagbabaril siya.

Agad na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng northbound lane ng Q. Blvd., nang masigurong nadale nila ang biktima. Keanna Tiatco

Show comments