Duterte, nilagdaan ang student fare discount

Sinabi ni Senator ­Sonny Angara, otor ng batas na makikinabang ang nasa 30 milyong estud­yante mula sa High School at kolehiyo na araw-araw ay bumibiyahe at ang diskuwento ay ibibigay kahit holidays.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang batas na magpapalawak at magtatag sa ibinibigay na diskuwento ng mga pamasahe sa mga estudyante ang nilagdaan ni Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Sakop ng Republic Act 11314 o “Student Fare Discount Act” ang lahat ng uri ng transportasyon katulad jeep, bus, UV Express vans, taxi at TNVS kasama rin ang eroplano, barko, MRT, LRT at PNR.

Sinabi ni Senator ­Sonny Angara, otor ng batas na makikinabang ang nasa 30 milyong estud­yante mula sa High School at kolehiyo na araw-araw ay bumibiyahe at ang diskuwento ay ibibigay kahit holidays.

Kailangan lamang na ipakita ng mga estud­yante ang kanilang valid na school ID na magpapatunay na siya ay naka-enroll.

Hindi naman kasama sa batas ang mga indibiduwal na naka-enroll sa mga dancing o driving schools, short-term courses para mag seminar, at mga post-graduate studies katulad ng medicine, law, masters at doctorate degrees-

Show comments